4 Advantages of Mobile Banking

4 Advantages of Mobile Banking

Madami na ang nagagawa sa mga mobile phones ngayon tulad. Hindi lang ito pang-text at pangtawag, pwede ka na rin mag-internet at mag-games. Pero alam mo ba na pwede ka ring maka-access ng banking services gamit ang iyong cellphone?


Ano ang Mobile Banking?

Ang mobile banking ay ang paggawa ng banking transactions gamit ang cellphone o ibang mobile device tulad ng tablet. Dahil madami ang may cellphone ngayon, isa siyang popular na paraan ng banking na angkop sa modern na lifestyle ngayon.


Ito lang ang ilang ways na nakakatulong ang mobile banking:


Your financial information is secure.

Gaano kaligtas ang mobile banking? Heavily invested ang financial industry sa security technology kaya ligtas ka sa mobile fraud losses. Pwede ding gamitin ang SMS para ma-notify ka sa mga transactions and activities on your account.

You have easy access to banking services.

Kahit wala kang mobile internet, pwede mong ma-access ang account mo gamit ang SMS. Pwede ka ring mag-dial ng short number para ma-access ang menu ng banking services. Pwede mong gawin ang mga transactions sa mababang halaga, at mas maganda pa rito, pwede ring libre.

Mobile banking saves time and effort.

Dahil palagi mong dala ang iyong cellphone, pwede kang mag-banko anytime, anywhere. Hindi na kailangang pumunta pa mismo sa bank at hindi na rin kailangan pumila. Para kang may access ka sa banko, right at your fingertips.


Enjoy reduced fees.

Bukod sa pagiging mas efficient, mas malaki din ang matitipid mo sa mobile banking dahil mas mura ang fees. Halimbawa, mas mura magpadala ng remittances through mobile kung ikukumpara sa ibang transfer services na may matataas na fees.

Sorry, comments are closed for this post.