5 Business Ideas with a Capital of P3000 or Less

5-Business-Ideas-with-a-Capital-of-P3000.00-or-Less

Hindi kailangan ng malaking capital para makapagsimula ng sariling negosyo. Basta marunong, maparaan, at creative ka lang, tiyak na mahahanap mo ang small business na swak sa budget mo! 

Narito ang ilan sa mga business na may P3000 or less na capital.

  1. Merienda at Samalamig Business 
  2. Sa mga oras ng alas-3 hanggang alas-5 ng hapon, mapapansin ang pagdami ng mga nagtitinda ng merienda tulad ng fish balls, banana que, mga inumin tulad ng sago’t gulaman at iba pa.

    Hindi mawawala sa mga pinoy ang konsepto ng merienda lalo pa at likas na mahilig tayong kumain. Ang magandang balita dito’y hindi ka aabot ng P2,000 para sa capital. Sa negosyo ng samalamig, pwede kang magsimula sa halagang P150 lang na panimulang budget.

  3. Sari-sari Store
  4. Hindi na rin bago ang sari-sari store sa atin. Kung maganda ang pwesto ng iyong bahay sa loob ng subdivision o village, magiging mabenta ang pagkakaroon ng sari-sari store.

    Maaaring magbenta muna ng mga kendi at mga chichirya. Siguradong panalo rin sa mga kapitbahay ang yelo at soft drinks lalo na pag mainit na panahon.

  5. Cellphone Loading Business
  6. Naghahanap ng mas portable na negosyo? Baka cellphone loading business ang para sa’yo. Maaari kang mag-load habang nasa bahay, sa opisina, o kahit nasaan ka man.

    Ang mga kailangan para makapagsimula ay isang cellphone at sim card na maaaring mag-load. Sa BanKO Buy Load, maari ka ring kumita ng extra dahil may discount sa bawat load.

  7. Online Business
  8. Hindi pa ganun katagal and konsepto ng online o internet-based businesses sa Pilipinas, pero hindi maitatago na marami itong oportunidad na nabuksan para sa mga business-minded na mga kababayan. Nandyan ang pagbenta ng mga second hand items via online shops at vendors, ang blogging o pagiging online influencer, ang online tutoring at iba pa.

    Ang iyong mga kailangan ay ang matibay na Internet connection, computer, at skills para magpatakbo ang online negosyo.

  9. Pet Care Taker
  10. Para sa mga pet-lovers, ang kailangan sa ganitong linya ng trabaho ay ang pagbabantay, pagpapakain, paglalaro at pag-groom sa mga alagang aso at pusa. Ang pagkain ay maaaring sagot na ng amo ng binabantayan at ang pag-groom naman ay maaaring gawing gamit ang mga ordinaryong gamit pambahay.

Para sa mas maraming financial tips at suggestions mula sa BanKO, i-like at i-follow kami sa Facebook o pumunta sa aming official website.

Leave a reply