5 Online Businesses na Kayang-kaya mong Simulan

5-Online-Businesses-na-Kayang-kaya-mong-Simulan

Marami ngayon ang gustong mag-venture sa online business, pero marami ang hindi alam kung saan at paano magsisimula. Ibang-iba ang pagpapatakbo ng online business kumpara sa traditional business. Hindi mo kailangang magkaroon ng physical store dahil hindi mo naman kailangang makaharap ang iyong customer.

 

Kung isa ka sa mga interesadong magkaroon ng online business, ito ang ilang halimbawa ng online businesses na madali lang simulan at gawin.

  1. Buy and Sell

    Kapag sinabing ‘online business’, ang unang iisipin ng tao ay nagbebenta ka ng gamit via online shops. Ito na ata ang pinakalumang online business type kung saan gagawa ka ng online store at ipo-post o advertise mo ang iyong produkto para maibenta. Sa ganitong paraan nakilala ang Lazada, Zalora, OLX at iba pang natutulad na websites.

    Iba-iba ang maaari mong ibenta—hindi lang mga gamit kundi mga made-to-order goods na rin. Mahilig kang mag-bake? Hindi ka mawawalan ng customers o orders kung masarap ang pastries mo at maganda ang exposure o promotion nito sa social media.

    May market din para sa customized accessories at mga damit.

  2. Transcription

    Kung hilig mo ang pagsusulat, matutuwa ka sa transcription work, article creation/contribution atbp. Sa dami ng active na mga tao sa internet, maliban sa skills sa pagsusulat, kailangan maging sigurado sa impormasyon at mga sources na ginagamit.

  3. Blog

    Ang blogging ay may kasamang character. Hindi ka lang nagsusulat mula sa likod ng computer, dapat ay kausap mo ang mga readers mo. Nagsimula ang blogging bilang hobby pero marami na rin ang ginawa itong pangunahing source of income.

    Ang isang blogger ay binabayaran ng mga brands base sa dami ng mga followers nito. Kaya kung gusto mong maging blogger, dapat ay marunong kang kumausap at mag-lambing ng mga fans at followers.

  4. Vlog

    Ang vlog ay blogging na ring maituturing. Ang pagkakaiba ay simpleng review article ang produkto ng blogger habang maikling video naman ang sa vlogger.

    Ang paggawa ng video blog ay halos doble ng trabaho ng blogging. Hindi ka lang nagpapakita ng review, dapat maipadama mo sa viewers ang experience. Mas mahirap din ang pagkuha ng audience dahil sa dami ng mga kalabang videos sa Youtube.

  5. Online Tutoring

    Isa pang patok na online business ay ang online tutoring kung saan nagtuturo ng tamang paggamit ng mga lengwahe o iba pang topics. Maaari ding gumawa ng video tutorials para sa iyong mga kliyente.


Para sa mas maraming financial tips at suggestions mula sa BanKO, i-like at i-follow kami sa Facebook o pumunta sa aming official website.

Leave a reply