5 Summer Business Ideas for Pinoys

5 Summer Business Ideas for Pinoys

Gusto mo bang kumita sa darating na summer?


Para sa karamihan, ang summer ay para sa pagbabakasyon at pagpapahinga, pero sa mga gustong mag-negosyo, ito ay isang magandang opportunity para magtayo ng small businesss. Ang nakakatuwa pa dito ay maaaring tumulong ang mga kabataan sa inyong tahanan para maaga silang natututo ng halaga ng negosyo at pag-iipon.


Kung pinag-iisipan mong magtayo ng maliit na business sa susunod na season ng tag-init, paghandaan ito, at buuin ang iyong business concept. Para matulungan ka, heto ang ilang ideas:

  1. Cool refreshments
Dahil sa init, madami talagang naghahanap ng pampalamig. Go for the tried and tested Pinoy favorites like Halo-halo, sago’t gulaman, fruit shake, ice candies, or ice buko. For a healthy twist, try mo mag-offer ng frozen yogurt or fresh fruit or vegetable smoothie.
  1. Tutorials / lessons
Dahil madaming free time during summer, ginagawa itong chance ng iba para i-develop ang kanilang skills or talents. Kung expert ka or may kakilala kang puwedeng magturo, baka ito ay isang option na puwede mong i-consider. Puwede ka mag tutorial sa mga specialized subjects tulad ng Math or English, mag-conduct ng dance or music lessons, or magpa-talent workshop.
  1. Green living
Gusto mo bang kumita habang tumutulong sa kalikasan? Maganda ding magtayo ng green business during summer. Puwede kang mag recycling business, or mag-gardening o landscaping. Creative ka ba? Try mong mag-recycle ng lumang materials at i-upcycle ito para gumawa ng bags, pouches, at iba pang produkto.

  1. Food business
Madaming opportunity sa summer para mga food business. Bukod sa Pinoy fravorite na ihaw-ihaw, puwede ka ding mag food order business. Madaming family reunions at big get-togethers kapag summer, kaya mainam talaga ang business na ito.
  1. Equipment rental
Kadalasan ay mas pipiliin pa ng tao na manghiram ng gamit imbis na bumili ng bago, lalo na kung minsan lang naman gagamitin. Pwede kang magpa-rent ng gamit tulad ng bike, swimming or diving gear, photo/video equipment, o iba pang bagay na patok ngayong summer.

Sorry, comments are closed for this post.