Best Budgeting Apps You Should Try

Best Budgeting Apps You Should Try

Ang pagkakaroon ng budget plan ay first step lang sa pagba-budget. Kailangan ang implementation at pagsunod sa plan na ito. Kasama sa pag-comply ay ang mabantayan ang income, expenses at ang spending habits mo.


Alam mo bang may mga available apps na designed mag-abot ng financial assistance? Pwede mo nang gawing personal financial advisor ang smartphone mo, ka-BanKO.


GOODBUDGET

Pinaghalo ang old-fashioned at digital, ang Goodbudget app ay gumagamit ng envelope system of budgeting para i-allow ang pagpa-plano ng weekly at monthly expenses.


Maaari kang gumawa ng envelopes para sa iba’t-ibang categories ng expenses. Isang envelope para sa household bills, isa para sa grocery at iba pa. Sa mga envelopes na ito ay magpapasok ka ng amount mula sa iyong income na siyang magiging pang-gastos mo sa segment na ‘yon.


Ang kagandahan ng ganitong sistema ay nababantayan mo ang kung magkano ang napupunta sa kada isa sa mga buwanang expenses mo. Gamit ang mga apps na’to, mas controlled ang budget at updated ka sa financial status mo.


MONEFY

Hindi kailangang plain at boring ang pagbabantay sa budget. Pinagaganda at pinasasaya ng Monefy ang pagre-record ng mga transactions gamit ang makulay na design. Ang records ng expenses ay displayed in graphs habang ang categories naman ng mga gastusin ay ginagamitan ng comprehensive na icons.


Malinis at easy-to-navigate ang interface ng Monefy. Maliban dito, maaari mong masilip ang data at records mo kahit saan at kahit ano pang device ang gamit. Kailangan mo lang ang ma-set up ito sa Dropbox account mo.


WALLY

Budget buddy na lifestyle at mas personalized. Sa money management app na Wally, experience ang kada expense. Hindi lang resibo ang pwedeng ipasok sa system nito. Pwede mo i-type in ang pangalan ng lugar kung saan nangyari ang transaction, magsama ng photo at i-tag ang mga kaibigang kasama sa experience.


Hindi lang tungkol sa design ang Wally. Napapag-aralan nito ang mga actions ng user, nag-aadapt sa mga preferences nito at nagbibigay ng insights sa kung papaano pa mapapabuti ang pagba-budget at spending behavior.

Dagdag sa mga halimbawang apps na ito ang iba’t-ibang local bank apps kung saan pwede mong masilip ang status ng iyong bank account. Ang BanKO din ay may sariling app Ka-BanKO. Nilalapit ng BPI Globe BanKO app ang mga BanKO services sa isang makabago at convenient na mobile experience.


For details and more info, visit http://www.banko.com.ph/banko-android-app/.

Sorry, comments are closed for this post.