Home-based Business Ideas

Home-based Business Ideas

Marami-rami na ang sumusubok mag-home-based business. At bakit hindi? Bukod sa hawak mo ang oras mo, minimal ang gastusin. No need mag-opisina at hindi na din kailangan magpunta sa mga lugar na ma-traffic.

Depende sa skills at hilig mo, marami ang pwedeng gawing home-based business. Ilang halimbawa ay ang mga sumusunod.


Service-based Businesses

Kayang-kaya mong magsimula ng maliit na service-based business tulad ng catering, photography at videography. Makakatulong ang pool ng contacts at mga kaibigan na handang sumuporta. Magnified ang quality ng serbisyo, kaya mag-focus dito at aralin kung paano ito maiimprove.
 

Online Store

Uso na din ang pag-set up ng sariling online store. Pinakasimple ang gumawa ng page sa Facebook. Pero hindi ba mas professional ang dating kung may sarili kang website o kahit microsite? On trend sa e-commerce ang pastries lalo na ang cupcakes, mga damit, accessories, handmade crafts atbp. Malaking bagay ang feedback ng customers kaya make sure na quality ang produtko at on-time lagi ang delivery nito.
Para makakuha ng idea, pwede mong subukan ang magbenta ng maliliit na bagay sa mga established na na online stores tulad ng ayosdito.ph at olx.com.


Blog

Profitable din ang pagsusulat. Mahilig ka bang magbasa ng blogs? Ayon sa mga bloggers, hindi ka lang kikita sa blogging, nakakakuha ka pa ng ilang personal gains. Nandoon ang opportunity na ma-improve ang writing style mo, ang makilala mo pa ang iyong sarili, at ang makaipon ng mga bagong experiences.


Sinusukat sa blogging ang dami ng followers, at ang Unique Visitors ng blog site mo per month. Dito naka-base kung magkano dapat ang fee mo.


Maliban sa pwede mong isunod sa passion mo, flexible din ang home-based business. May oras at allowance ka para pag-aralan ang industry na papasukan mo. Kapag handa ka nang sumubok ng mas malaking business venture, may option ka na patakbuhin pa rin on the side ang home-based business na nasimulan mo.


Iba pa sa home-based business, maraming klase ng negosyo ang pwede mong pasukin o subukan. At kung kailangan mo ng financial assistance, makakaasa kang sagot ka ng BanKO loans.


Para sa mas maraming tips at babasahin sa pagpaplano at pagtayo ng negosyo, magpunta sa articles section ng www.banko.com.ph.

Leave a reply