How To Turn Your Passion into a Business

How to Turn Your Passion into a Business

Walang limitations sa kung ano ang pwedeng gawing negosyo. Pero kung kami ang tatanungin? Doon ka na sa kinahihiligan mo. Iba ang commitment at energy kapag gusto mo ang ginagawa mo. Mas motivated ka, mas hands-on at may personal need na dapat quality mula sa materials, proseso, hanggang sa end product.

Heto ang ilang tips on how to turn your passion into a business.


What are you passionate about?

Passion mo ba ang baking? Bakit hindi magsimula ng maliit na bakery o pandesalan? Kung libangan mo naman halimbawa ang pag-crochet, pwede ka mag-online shop at magbenta ng mga scarves o beanies!


Kahit ano pa ang passion mo, maaaral ito, ma-iimprove at maaaring gawing business. Tingnan mo na din ang current na market kung saan kabilang ang kinahihiligan mo. May nakikita ka bang mga pagkukulang dito? Tandaan na ang negosyo at produktong patok ay isa na sumasagot sa need o nagiging solution sa isang problema.


Pag-aralan ang produkto mo at ang industry.

Mahalaga pa din ang maging maalam pagdating sa pagtatayo ng iyong business. Observe trends, pati na din ang actions ng competitors o mga leading brands. Alamin ang mga sales channels at price points o standard na presyuhan ng produkto at serbisyong gusto mong gawing business.


Mag-hire ng team.

Maliit man o malaki, kailangan ang pagkuha o pagbuo ng manpower; Manpower na binubuo ng capable na individuals na maaaring makatulong sa aspects ng negosyo na hindi mo specialty. Mas maganda kung ang mga makakasama mo ay tulad mong may drive at motivated sa pagpapatakbo ng business.

 

Maghanda ng budget na may buffer.

Kung anuman ang estimate mong magiging gastos sa pagset-up ng iyong negosyo, asahan na magdo-double o triple ito. Mabuti na ang sigurado, lalong lalo na sa budget. Hindi dapat maging issue ang paghahanda ng starting budget na may buffer lalo pa kung hilig mo ang iyong gagawing negosyo.


Para sa iba pang tips at mga babasahin para sa pagtatayo ng sariling business, magpunta sa articles section ng www.banko.com.ph. At kung kailangan mo naman ng mas mabilis na assistance, magpadala ng message samin via Facebook o sa aming Contact Us page!

Sorry, comments are closed for this post.