Ideal Investments in Your 20s

Ideal Investments in Your 20s

Wise ang magsimula ng maaga sa pag-iipon. At kailan pa ba ang mas magandang panahon para simulan ang practice ng good money habits kundi sa 20s mo? Sa age range na ito tayo nagkakaroon ng freedom, at mas nakikilala pa ang mga sarili. Dito nagkakaroon ng shape ang lifestyle na magsisilbing foundation para sa mga susunod pang taon.

Sa usapang pera, mas simple pa ang gastusin habang nasa 20s pa. Madali itong i-track at i-manage. Ang tunay na kalaban ay ang expenses na hindi naman kailangan. I-practice pag-aralan ang mga expenses na ito. Hindi ba mas magandang gumastos sa mga bagay na pakikinabangan mo din ater on?

Ang tawag dito ay Investments. At kahit in your 20s, may mga investment options ka. Heto ang ilang suggestions.


Insurance

Sa young adult chapter na ito ng buhay mo, asahan mo na ang hindi inaasahan. Napapadalas ang cases ng mga nababaha, mga nasusunugan at mga nananakawan. Maaari ka ding magkasakit kung halimbawang masyadong nagbababad sa trabaho. Dapat maging handa. Makakatulong ang pagkakaroon ng insurance.


Retirement Plan

Sabi nga ng financial advisers, It’s never too early to think about retirement. Ngayon pa lang, i-establish na ang lifestyle na gusto mo at retirement age. Then, i-estimate kung magkano sa tingin mo ang required budget para ma-maintain ang lifestyle na gusto mo. I-review ang iba’t ibang tools para sa pag-iipon ng retirement fund.

Alam mo bang ni-launch noong 2014 ng SSS ang isang bagong voluntary ng retirement scheme? Pwede ka ding tumingin sa stocks at bonds bilang option.    


Mag-invest sa Sarili

Hindi lang material things at pera ang investments. Naka-attend ka na ba ng mga seminars tulad ng sa John Robert Powers? Ang mga seminars na tulad nito ay para sa development ng projection at self-confidence.

Subukan mo din maghanap ng mga workshops o classes na kung saan ay mag-iimprove ang iyong skill set o talent. In effect, dadami ang opportunities na magbubukas kapag dumating ang araw na kailangan mo maghanap ng higher-paying o mas fulfilling na trabaho.

Marami pa ang pwedeng investments pero pili lang ang masasabing smart. Ang payo ng BanKO? Mag-ingat at maging patient sa pag-review ng prospect investments.

For more BanKO suggestions at investment options, i-follow kami sa Facebook o Twitter o kaya ay magpunta sa www.banko.com.ph.

Sorry, comments are closed for this post.