Loan Services from BanKO

Loan Services from BanKO

Habang pamahal ng pamahal ang mga kailangan para ma-secure ang magandang future para sa sarili at sa pamilya, parami din ng parami ang options para matulungan ka sa pag-avail ng mga investments na ito.


Tried and tested nang option ang pagkuha ng Loan mula sa bangko.


Sa BanKO, nahahati ang loan services sa Consumer at Commercial categories. Nasa ilalim ng Consumer ang mga klase ng loans na classified bilang personal na loan. Sakop naman sa Commercial category ang loans na tutulong sa pag-sagot sa requirements iyong negosyo mo.


Para makapag-extend ng tulong sa mas maraming tao, ang BanKO loans ay mas abot-kaya at convenient kumpara sa loans ng mga traditional banks.


BanKO Instaloan

Perfect para sa emergencies ang una sa mga loan services ng BanKO. Guaranteed na mabilis ang processing ng loan request mo with BanKO Instaloan kaya mabilis mo ding magagawan ng paraan ang biglaang demand ng financial assistance.


Exclusive sa mga BanKO account holders, kailangan mo lang ng Facebook account at ang mag-fill out ng form sa https://www.bankolink.com.ph/bankolenddo/start.action.


Salary Loan

Isang ready-benefit program, ang Salary Loan ay para sa mga employees ng BanKO-accredited companies. Katulong mo ang monthly salary sa pagbabayad ng funds na nahiram. Easy at flexible din ang availment process para maiabot ang service sa employees na nahihirapang mag-apply ng kaparehang loan sa traditional banks.


Visit http://www.banko.com.ph/loans/consumer-loans/salary-loan/ para sa mas detailed na info tungkol sa BanKO Salary Loan.


PuhunanKO

Sagot ka ng BanKO sa puhunan at mga demands ng negosyo mo via PuhunanKO. Pinadali din ang communication sa pagitan ng suppliers at customers o retailers dahil sa mobile financing system ng BanKO.

Kailangan mo ba ng tulong sa startup business mo? Apply na para sa PuhunanKO loan.

Puregold Puhunan Plus


Exclusive naman sa Aling Puring micro-entrepreneurs ang Puregold Puhunan Plus. A partnership sa pagitan ng BanKO at ng Puregold, objective ng service na ito ang matulungan ang members ng Tindahan ni Aling Puring na mapalago ang kanilang sari-sari stores, mga karinderya, at iba pang mga reselling business.
Member ka ba ng Tindahan ni Aling Puring? Kumuha ka na ng Puhunan Plus Card.

NegosyoKO


Sa pagpapalaki ng iyong negosyo, hindi maiiwasan ang mga problema at ang need for financial help. Makakaasa ka na handang tumulong ang BanKO. Via NegosyoKO, pwede kang mag-loan ng up to P300,000 na walang hassle dahil mabilis ang approval process at magaan ang payment terms.


Para makapag-apply for a NegosyoKO loan, magpunta lang sa http://www.banko.com.ph/negosyoko-loan-application-form/.

Sorry, comments are closed for this post.