Mga Katangian ng Successful na Business

Article-Image-Successful-Business


 

Lahat ng maunlad na negosyo ay nagsisimula sa isang magandang idea.

Kaya lang, hindi ganoon kadali mag-isip ng magandang konsepto para sa negosyo. Minsan marami kang gustong gawin at hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Minsan naman ay wala ka talagang maisip. Sabi nga ng ibang negosyante, kadalasan mas mahirap pang gumawa ng tinatawag na “business concept” kaysa sa pag-gawa ng mismong business plan.

Para makatulong sa pag-iisip ng iyong winning business concept, alalahanin ang mga sumusunod na katangian ng isang maunlad na business:

  1. Kakaiba

Ang isang business concept ay hindi kailangang maging sobrang bago, pero kailangan nitong maging kakaiba o mas maganda sa mga produkto o serbisyo na kasalukuyang nasa market. Halimbawa, kung ikaw ay magbebenta ng mga baked goods, paano mo ito gagawing kakaiba sa iba pang katulad na negosyo? Maaari mo itong idaan sa kakaibang flavor or diskarte ng pag-bake, or magdagdag ng serbisyo tulad ng home delivery.

 

  1. Relevant o naaayon sa pangangailangan ng consumer

Bilang negosyante, kailangan mong isipin ang mga kailangan ng iyong magiging customer. Halimbawa, ang lugar ng business mo ay malapit sa mga opisina, baka mainam na magtayo ng kainan kung saan makakabili ng budget meals ang mga nago-opisina na nagtitipid.

 

  1. Mababang start-up cost

Kapag mababa ang gagastusin mo sa pagtayo ng iyong negosyo, mas makaka-focus ka sa pag-invest ng iyong oras at kasanayan. Maraming negosyo na puwedeng simulan, kahit na maliit ang budget sa simula.

 

  1. “Live your passion”

Magandang starting point sa negosyo ang mga bagay kung saan may passion ka. When you’re working on a business na gustong-gusto mo at nage-enjoy ka, mas mapapadali ang pagpapatakbo nito.

Sorry, comments are closed for this post.