Mga Myths o Paniniwala sa Pagkakaroon ng Sariling Business


Marami ngayon ang gustong magtayo ng sariling negosyo pero marami rin ang hindi buo ang loob. May magandang idea ka ba para sa iyong small business? Maging tiyak at matalino sa pagtatayo ng negosyo at huwag magpadala sa mga sumusunod na myths o paniniwala.


Kailangang kakaiba o out of this world ang business idea ko.

Sabi nila, kapag kakaiba ang idea mo, marami ang mag-uusisa at susubok ng service o product mo. Hindi ito totoo sa lahat. Tingnan na lang ang pabago-bagong trend sa mga kainan. May panahon na tinangkilik at pinupuntahan ang mga kainan na may kakaibang gimik ngunit pagkatapos ng ilang buwan, bumabalik ang pabor ng mga tao sa mga kainan na walang gimik pero kilala at masarap ang pagkain.

Malaki man ang tulong ng pagkakaroon ng kakaiba o makabagong negosyo, sa kalidad pa rin ng produkto at management nakasalalay ang success ng business mo.

Hinihintay ko na lang ang tamang panahon para i-launch ang start-up ko.

Wala nang mas tatama pang panahon kaysa sa ngayon. Maaaring gumanda pa ang ekonomiya, maaari ring hindi na o kaya’y maaaring matagal pa ang hihintayin mo bago mangyari ito. Habang ikaw ay naghihintay, dumadami ang dumadaan at nasasayang na business opportunities. Naluluma din ang business idea mo at may malaking posibilidad pa na maunahan ka ng iba.

Kailangan ko munang makapag-ipon ng malaking puhunan.

Madali lang ang magtayo ng negosyo kung malaki ang iyong kapital. Ngunit minsan, natatagalan ang pagsisimula dahil sa panahon na nasasayang sa pag-iipon. Tandaan na maraming ibang paraan upang magkaroon ng kapital. Pwede kang maghanap ng investors o kaya naman ay mag-loan ng pang-dagdag na kapital sa banko.

Kailangan kong gawin ang lahat ng trabaho

Importanteng tutukan ang lahat ng aspeto ng iyong negosyo ngunit hindi mo kailangang gawin ang lahat ng trabaho. Humingi ng tulong sa iyong kamag-anak, kaibigan, o kakilala at ibahagi ang mga gawain. May mga ibang bagay na mas kayang gawin o mas mabilis na matapos ng ibang tao. Isaisip lang lagi na maging epektibo sa pag-delegate ng trabaho sa iba at siguraduhing alam nila ang kanilang gagawin.

 

Para sa mas maraming financial tips at suggestions, i-like at follow kami sa Facebook o pumunta sa aming official BanKO website, www.banko.com.ph.

 

 

Leave a reply