Mga Practical Gift Ideas for Mother’s Day

Mga Practical Gift Ideas for Mother’s Day
Para kay nanay na walang kapantay mag-alaga, magmahal, at tumingin sa kalusugan ng pamilya, sa darating na linggo,
atin siyang pasalamatan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, gaano man ito kaliit o kalaki. Narito ang ilan sa mga practical at timeless na regalong tiyak na magugustuhan niya:

1. Ipaghanda ng Pagkain si Nanay

I-surprise si Nanay ng masarap na agahan.  Hindi kailangang magarbo ang almusal.  Sabi nga nila, “it’s the thought that counts”.  Ang importante ay ikaw ang naghanda para sa kanya, at salo-salo kayong pamilya.

2. Pagandahin ang Garden ni Nanay

Kaysa bumili ng bulaklak, ngayong Mother’s Day, pagandahin o kaya nama’y gawan ng mini-garden si nanay. Aralin muna ang espasyo ng garden tsaka bumili ng mga paso, lupa, at mga halaman na babagay sa kapaligiran at sa tama ng araw. Pagandahin pa ito lalo sa pamamagitan ng pagdadag ng mga upuan at mesa.

Magba-bonding na kayo sa pag-ga-garden, magkakaroon pa siya ng pinagandang tambayan tuwing off-time sa mga gawaing bahay.

3. Health Check up

May kasabihan na “Health is wealth.”  Si Nanay ang laging nag-aalaga ng kalusugan ng pamily.  Kaya namang ngayong Mothers’ Day, ating bigyan ng panahon na mapa-check up si Nanay para siguruhing maayos ang kanyang kalusugan, at patitibayin ang katawan nya laban sa mga sakit. 


4. Home Repairs

Ayusin na ang tulo sa lababo sa kusina o linisin ang mga electric fan na matagal nang hindi nalilinis.  Kapag ang mga gamit sa bahay ay maayos, tiyak na magkakaroon ng peace of mind si inay.

5. Small Business

May entrepreneurial mindset ba si nanay at naghahanap ng pagkakakitaan? Bigyan siya ng opportunity ng makapag-ipon para sa sarili. Hindi kailangang malaki ang capital. Importante ay masimulan ito nang tama at handa.  Maaari mo siyang tulungang makapag-simula maliit na sari-sari store o kaya magbenta ng mga frozen goods.

I-like at i-follow kami sa
Facebook o pumunta sa aming official website para sa mas maraming financial tips at suggestions mula sa BanKo.

Leave a reply