Negosyo Tips from Successful Local Businesses

Negosyo Tips from Successful Local Businesses

Mukha mang madali o exciting ang pagkakaroon ng small business, hindi mawawala ang hirap at challenges na pagdadaanan mo sa pagbuo nito. Sa business concept at planning pa lang ay marami ka nang considerations na dapat isipin. Importante ang maging matiyaga at may clear view ng goal na gusto mong abutin. Para matulungan at ma-inspire kang ipagpatuloy ang businesss oventure mo, heto ang ilang tips at payo mula sa ilang successful business heads.

“Take your time and focus on what matters most: faith, family, and love for life. Everything will fall into place.”  – Mary Grace Dimacali, Mary Grace Cafe

Kilala para sa mga melt-in-your-mouth pastries na cheese rolls at ensaymada, ang Mary Grace Cafe ay nagsimula bilang home-based business. Balanced at slow, steady growth ang pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan ng Mary Grace Cafe.


Tulad ni Mary Grace na hindi naging hadlang ang pagiging ina sa limang anak, take your time para aralin kung paano mapapabuti ang negosyo.


“Hard work, perseverance and foresight, plus having the right people working with me to develop and sustain the business are key elements to my success.” Alfredo Yao, Zest-O Corporation

Maagang naulila sa ama, nagkaroon ng drive at purpose si Alfredo na tulungan ang pamilya na umangat mula sa kahirapan. Nasa business na siya ng printing press nang makita ang potential ng mga doypack pouches para sa mga inumin na pwedeng baunin ng mga bata sa eskwelahan, o ng mga professionals sa mga opisina.


Kadalasan sa mga negosyo, hindi sapat ang kung sino ka. Mahalaga din ang network ng contacts mo at ang pagpili ng mga taong aligned sa goal ng kumpanya mo.

“A bad situation is really an opportunity for a good thing to happen.” – Prudencio Garcia, Mekeni Food Corporation

Sa gitna ng pag-iisip ng business strategy para palakihin pa ang family business, nakasama ang Mekeni Food Corporation sa mga naapektuhan nung pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991. Tinutukoy sa quote ang mabilis na pagbangon ng Mekeni. Sa tulong ito ng pagbukas nito ng pinto’t paglikha ng mga trabaho para sa mga kababayang nasalanta din.


Natural ang mga pagkakamali at problema sa mga start-ups at small businesses. Dumarating ang mga ito para ipahiwatig na may igaganda pa ang iyong produkto o serbisyo.

 

“Location is important. Not all businesses can survive in the malls. When you are near entrances where there is foot traffic, the sales person must be aggressive in introducing the products.” – Joel Cruz, Aficionado

Ang tried and tested strategy ng tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz ay ang pagbebenta sa mga kiosks sa mga high-traffic areas ng mga malls.


Hindi lang importante ang alam mo kung nasaan ang iyong market, mahalaga din ang presence ng iyong negosyo doon. Maliban sa pisikal na location, makikita at active ba ang market mo online? Sa anong social networking sites sila present? Pag-aralan ang iyong target market ng maigi para maintindihan at makaisip ng mga paraaan para makuha ang kanilang atensyon.

 

Maraming local businesses, small man o established, ang maaari mo pang tingnan for inspiration. Tandaan lang na walang nag-iisang success formula para sa lahat ng klase ng negosyo, at maganda din kung magiging creative at naiiba sa pag-strategize o pagpaplano ng business mo.

Para sa mas maraming tips at babasahin sa pagpaplano at pagtayo ng negosyo, magpunta sa articles section ng www.banko.com.ph.

Sorry, comments are closed for this post.