Paano Makabangon from Business Failures

Paano Makabangon from Business Failures

Sa business, mahirap iwasan ang setbacks o mga problema. Minsan may staff na hindi gumagawa ng trabaho niya. Minsan naman ay may nahuhuli sa production schedule na napag-usapan. Ang mga ito ay nakaka-affect sa kita ng negosyo.


Talagang darating ang mga delays at masusubukan ang iyong determinasyon sa pagtatayo ng sariling negosyo. Sa mga panahong ganito, heto ang dapat gawin at tips para maka-recover mula sa mga business failures.


TANGGAPIN ANG SETBACK

Tandaan na ang setbacks at failures ay natural lang sa lahat ng klase ng business. Kailangan mo itong tanggapin. Maging professional at isang tunay na leader. Akuin ang pagkakamali kahit pa hindi ikaw ang direktang may kasalanan.


ANO ANG PROBLEMA?

Part ng pag-bangon at pag-isip ng solution ang maintindihan kung ano ang mali na nangyari. Balikan ang problema. Ito ang ilang questions na dapat i-consider:

  • Saang department o saan sa production ang pinagmulan ng problema?
  • Sino ang mga involved at pwede kausapin para makakuha pa ng details?
  • Ano ang mga nakikita mong paraan para mabigyan ng solusyon ang problema?
  • Moving forward, ano ang dapat ma-improve o mabago sa system para hindi na mangyari uli
    ang problema?


MATUTO SA PAGKAKAMALI

Sa kada pagkakamali ay may 2 options. Ang una at pinakamadali: ang sumuko at bumalik sa kung ano ang ginagawa mo bago sumubok mag-business; at pangalawa: tumayo, matuto at magpatuloy.


Tulad ng mga nabanggit, ang setbacks, delays at problema ay natural sa kahit anong klase ng business. Kasama ito sa kailangan pagdaanan para ma-improve ang iyong produkto at serbisyo. Minsan ay mahihirapan kang hanapan ito ng solusyon, pero with the right mindset at tamang process ng pag-handle ay siguradong makakaya mo ito.


Hatid ng BanKO ang ilang options para matulungan ka financially sa business mo. Mas pinabilis, mas convenient at available sa lahat ng BanKO account holders ang Instaloan at iba pang BanKO loans! At para naman sa mas specific na concerns, magpadala lang ng message via our Contacts Page.

Sorry, comments are closed for this post.