Questions to Ask Yourself Before Starting a Business

Questions to Ask Yourself Before Starting a Business

Inviting ang privileges ng pagkakaroon ng sariling negosyo. Nandyan ang wala kang boss na iintindihin. Wala ka ding deadline na kailangan habulin o malayong lugar na kailangan puntahan.
Pero bago ma-excite, mahalagang maintindihan na ang pagtatayo ng negosyo ay hindi basta basta. Kailangan buong-buo kang papasok dito, baon ang tapang, determination at commitment.


Bago tumuloy sa business venture, heto ang ilang katanungang sana’y masagot mo muna sa sarili.


Bakit nga ba ako magnenegosyo?

Maaaring dahil pagod ka na sa pagiging employee, at gusto mong umangat sa buhay habang bata pa. Pwede ding dahil may nakikita kang opportunity at hind ito dapat palagpasin.
May iba’t-ibang dahilan at rason para mag-negosyo. Kapag alam mo na ang purpose mo, hindi sapat na alam mo lang. Dapat isa-puso ito dahil babalik-balikan mo ito later on.


All set na ba ako?

Gaano ka na ka-handa? Nailatag mo na ba ang business concept mo? Ang business concept ay mas detailed at mas concrete kumpara sa business idea. Kasama dito ang budget, kung saang sources ito manggagaling, at pagpaplano ng mga later steps para sa pag-develop ng business mo.


Dapat lang din na mentally- at physically-prepared ka. Kaya i-review ang industry standards at palakasin ang katawan para sa maraming puyatan.


Papaano kung magkaroon ng setbacks?

Ang magaling na businessman o woman ay nagpaplano para makaiwas sa problema. Pero papaano nga ba kapag nandyan at nangyari na ang setback o delay? Ang tip namin: tanggapin ito at hanapan agad ng solution.


Kahit gaano ka pa kahanda, dadating at dadating ang mga problema. Ang susi dito ay maging resilient. Makakatulong kung babalik-balikan kung bakit ka nagdesisyong mag-negosyo.

Kaya ko bang maging leader?

Mabilis man o mabagal, lalaki ang negosyo. Kasabay nito ang paglaki ng team mo. At kapag dumating ang panahon, kailangan mong mag-step back at i-delegate ang ilang responsibilities sa mga tauhan mo. Kaya mo bang ipagkatiwala ang negosyo mo sa kakayanan ng ibang tao?


Ilan lang ito sa mga questions na dapat masagot bago mag-simula ng sariling business. Matrabaho at challenging man ang pagnenegosyo sa simula, maginhawa at may privileges naman ito kapag established at settled ka na, ka-BanKO.


Para sa mas maraming tips sa pagnenegosyo, i-like at i-follow kami sa Facebook o magbasa ng BanKO articles.

Sorry, comments are closed for this post.