Small Ways to Save Big

Small Ways to Save Big

Nahihirapan ka bang mag-ipon? Ang pag-iipon ay isang karaniwang problema ng mga Pinoy. Mahirap nga din namang magtabi ng pera, lalo na kung wala ding extra na pera na pwedeng itabi sa savings account.


Pero hindi mo kailangang magtabi ng malaking halaga para magkaroon ng malaking ipon. May mga simpleng paraan ng pag-iipon na kayang-kaya mong gawin. Sa mga ganitong paraan, mukhang maliit lang ang naitatabi mo, pero magiging malaki din ang impact nito sa finances mo.


Find out kung alin sa mga tips na ito ang nababagay sa lifestyle mo:


Quit expensive vices.
Madalas ka bang manigarilyo o uminom? Mas madali kang makakaipon kapag binawasan mo ang mga magagastos na bisyo. Ang average smoker ay gumagastos ng halos Php11,000 kada taon para sa sigarilyo. Imagine niyo na lang ang matitipid niyo kung hindi ka gumastos para sa sigarilyo o sa iba pang bisyo.
 
Borrow first before buying an item.
Kailangan mo ba ng tools para mag-ayos ng bahay? Naiisipan mo bang bumili ng camera para sa out-of-town trip mo? Imbis na bumili ng bago, subukan mo munang manghiram, lalo na kung sandali o minsan mo lang naman gagamitin.
 
Limit dining out to once a week.
Isipin mo na lang na ang gagastusin mo para sa isang restaurant meal ay maaaring katumbas na ng one week’s worth ng homemade meals.
 
Wait for at least 30 days before buying an item you don’t need.
Kung gusto mo pa rin after 30 days, then maaari mo na bilhin. Kung madali mo din naman itong kalimutan, baka hindi mo naman talaga ito gusto.
 
Learn to do it yourself.
Kung halimbawa ay dalawang beses ka sa isang buwan magpa-manicure at pedicure, try mo na once a month na lang, o ikaw na lang ang gumawa kung kaya mo naman.
 
Have house parties instead of going out.
Mas kontrolado mo ang gastusin kung ikaw ang magluluto o bibili ng kakainin.

One Response to Small Ways to Save Big