Please be informed of the BSP's Monetary Board Approval on July 02, 2026 of the merger of BPI Direct Banko, Inc. (BanKo) & Legazpi Savings Bank (LSB) with BanKo as the surviving bank. Merger effective on October 01, 2026, subject to SEC approval. No change/action is needed on your part.
View DetailsMas secure na ang iyong BanKo Mobile App with two new security features designed to help protect your account and savings: Lock My Access at Lock My Funds.
Dahil mahalaga ang bawat pisong pinaghirapan mo, mas may kontrol ka na ngayon sa seguridad ng iyong account.
May kahina-hinalang activity sa account mo?
Gamit ang Lock My Access, maaari mong i-lock agad ang access sa iyong BanKo Mobile App habang chine-check mo ang account mo o habang nakikipag-ugnayan sa BanKo.
Isang mabilis na paraan para makatulong na maprotektahan ang account mo laban sa unauthorized access.
Para naman sa mga gustong dagdagan ang proteksyon ng kanilang ipon, may Lock My Funds feature.
Kapag naka-activate, matutulungan nitong maprotektahan ang iyong savings laban sa unauthorized transactions habang patuloy pa ring kumikita ng interest ang iyong account.
Mas kampante ka, mas panatag ang pag-iipon.
Sa panahon ngayon, mahalagang secure ang iyong mobile banking account.
Sa pamamagitan ng Lock My Access at Lock My Funds, mas may kontrol ka sa iyong account at savings, at mas mabilis kang makakaaksyon kung may mapansin kang hindi pangkaraniwang activity.
Para magamit ang mga bagong security features, siguraduhing updated ang iyong BanKo Mobile App.
I-download o i-update ang app sa:
Google Play Store
Apple App Store
Mas ligtas na banking, mas panatag na pag-iipon with BanKo.
To learn more, visit the BanKo website, or follow BanKo on Facebook.