Maraming paraan para mabayaran ang inyong BanKo loan. Siguraduhing mabayaran ang inyong due amount bago o sa araw ng due date para mapanatili ang inyong good payment history.
1. Repayment by Self via BanKo Mobile
Gamit ang inyong cellphone, pwedeng bayaran ang inyong loan. Kailangang mag-register sa BanKo mobile at siguraduhing laging may sapat na balanse ang PondoKo Savings account pambayad ng loan.
2. BanKo Cash Agents
Punta lang sa pinakamalapit na BanKo Cash Agent para magbayad. Ibigay lang ang inyong BanKo loan account number at ang halaga ng inyong babayaran. Ang payment ay agad na ma-a-apply sa loan.
Click this link for the complete list of BanKo Cash Agents: https://www.banko.com.ph/banko-locator/
3. Automatic Debit Arrangement
Ang due amount ng inyong loan ay automatic na ibabawas sa inyong PondoKo Savings account. Siguraduhing laging may sapat na balanse ang account.
4. Cash Pick-Up via Motorized Collector
Maaaring mag-request ng cash pick-up arrangement kung saan pupuntahan kayo ng aming Motorized Collector para tanggapin ang inyong bayad. May one-time fee na kailangan bayaran para mag-avail ng service na ito.
                        
                                                
                                                
is a proud member of