Mga Ka-BanKo! Para mas lalong iwas-hassle at maging magaan ang pagpapatakbo ng inyong negosyo, hindi mo na kailangang bumiyahe pa para maghulog ng iyong loan repayment.
Ngayon, pwede mo nang bayaran ang iyong BanKo loan gamit lang ang iyong cellphone via GCash! Kahit nasaan ka man—nasa bahay, nasa biyahe, o habang nagbabantay ng iyong tindahan—sa ilang taps lang sa iyong smartphone, bayad ka na!
At ang pinakamagandang balita? May Same-Day Posting na ang mga loan payments sa GCash! Mabilis na mairerekord ang iyong hulog para tuloy-tuloy at mapapaikot agad ang puhunan sa negosyo.
Napakadali at mabilis lang magbayad ng iyong loan gamit ang GCash. Sundin lamang ang mga simpleng hakbang na ito:
1. Open the GCash App sa iyong smartphone.
2. I-click ang "Bills" icon sa dashboard.
3. Piliin o i-select ang "Loans" sa mga kategorya.
4. I-search at piliin ang "BanKo" bilang inyong biller, ilagay ang inyong mga detalye, at i-confirm ang payment.
📌 Tip para sa Safe Transaction:
Paalala sa ating mga Ka-BanKo na laging i-save ang inyong transaction screenshot o e-receipt mula sa GCash bilang inyong opisyal na record at patunay ng pagbabayad.
🔔 Magbayad Bago Mag-9:00 PM
Siguraduhing magbayad bago mag-9:00 PM upang ma-post agad sa parehong araw ang inyong hulog. Magbayad nang mas maaga upang maiwasan ang abala sa inyong negosyo.
Hindi mo na kailangang mag-alala sa pagbiyahe o pagpila, Ka-BanKo! Gamitin ang iyong GCash app ngayon para sa mas mabilis, ligtas, at magaan na pagbabayad ng loan!