Fund your business with BanKo NegosyoKo Loan!

NegosyoKo Loan

Abot-kayang loan para sa mga Self-Employed Micro Entrepreneurs (SEME) na may maliit na negosyo.

Simple lang ang requirements

  • Valid ID
  • Utility Bill
  • Barangay or Mayor’s Permit

Abot-kayang interest

Kumpara sa ibang microfinance companies

Mabilis ang approval

1-5 banking days pagka-submit ng complete requirements

Sakto ang loan amount para sa negosyo

P15,000 hanggang P500,000 ang pwedeng ma-loan

Flexible payment terms

Pwede kang pumili ng weekly, twice a month, o monthly payment options

BIDA Program

Be rewarded when you refer your family and friends to BanKo. Tanungin ang inyong BanKoMare o BanKoPare kung papaano maging member ng BIDA Program.

Download the BanKo Mobile App

Ano ang NegosyoKo Loan?
Ang NegosyoKo Loan ay isang business loan na inaalok ng BanKo para sa mga negosyong may dalawa (2) o higit pang taon ng operasyon. Layunin nitong makatulong sa working capital, business expansion, o refinancing ng negosyo.
Ano ang iba't ibang uri ng NegosyoKo Loan?
Ang NegosyoKo Loan ay may tatlong uri: ang NegosyoKo Lite, NegosyoKo 300, at NegosyoKo 500. Narito ang loan amounts para sa bawat isa:

NegosyoKo Lite: ₱5,000 – ₱14,999
NegosyoKo 300: ₱15,000 – ₱300,000
NegosyoKo 500: ₱300,000 – ₱500,000

Sino ang pwedeng mag-apply?
Ang mga may-ari ng negosyo na may dalawa (2) o higit pang taon nang operasyon ay pwedeng mag-apply.

Dapat din ang aplikante ay may edad 21 hanggang 65 taon sa panahon ng loan maturity.

Ano ang mga requirements?
Para sa iyong loan application, narito ang mga kailangan mong ihanda:

  • Barangay o Mayor’s Business Permit: Kailangan ang pinakabago at valid na kopya.
  • Barangay Clearance: Siguraduhing nakalagay dito ang “Loan Purpose.”
  • Government-issued valid ID: Isang (1) ID na may litrato.
  • 1×1 ID picture: Huwag itong kalimutang dalhin!
  • Utility bills: Para sa huling tatlong (3) buwan.
Iba iba ba ang interest rate sa NegosyoKo Loan?
Ang NegosyoKo Loan ay may iba’t ibang interest rates depende sa uri ng loan. Narito ang breakdown:

  • NegosyoKo Lite: 3.0% interest rate
  • NegosyoKo 300: 2.75% interest rate
  • NegosyoKo 500: 2.75% interest rate
Ano ang mga loan terms (in months)?
Ang loan terms para sa NegosyoKo Loan ay nag-iiba depende sa uri ng loan na kukunin mo. Narito ang mga available na loan terms (in months):

  • NegosyoKo Lite: 3, 6 months
  • NegosyoKo 300: 6, 12, 24, 36 months
  • NegosyoKo 500: 12, 24, 36, 48, 60 months
Ano ang mga payment frequencies?
Pumili ng payment frequency na swak sa iyong budget. Maaari kang magbayad nang:

  • Weekly
  • Bi-monthly
  • Monthly
Iba iba ba ang processing fee sa bawat uri ng NegosyoKo Loan?
Ang processing fee ay nag-iiba depende sa uri ng NegosyoKo Loan na iyong kukunin. Narito ang breakdown:

  • NegosyoKo Lite: Walang processing fee
  • NegosyoKo 300: May processing fee na ₱2,500
  • NegosyoKo 500: May processing fee na ₱3,000
Mayroon bang service fee?
Ang NegosyoKo Loan ay walang service fee.

Mayroon bang availment fee?
Walang availment fee na sinisingil para sa NegosyoKo Loan.

Mga paraan para magbayad ng BanKo loan
Maraming paraan para mabayaran ang inyong BanKo loan. Siguraduhing mabayaran ang inyong due amount bago o sa araw ng due date para mapanatili ang inyong good payment history.

  1. Repayment by Self via BanKo Mobile

    Gamit ang inyong cellphone, pwedeng bayaran ang inyong loan. Kailangang mag-register sa BanKo mobile at siguraduhing laging may sapat na balanse ang PondoKo Savings account pambayad ng loan.

  2. BanKo Cash Agents

    Punta lang sa pinakamalapit na BanKo Cash Agent para magbayad. Ibigay lang ang inyong BanKo loan account number at ang halaga ng inyong babayaran. Ang payment ay agad na ma-a-apply sa loan.
    Click this link for the complete list of BanKo Cash Agents: https://www.banko.com.ph/banko-locator/

  3. Automatic Debit Arrangement

    Ang due amount ng inyong loan ay automatic na ibabawas sa inyong PondoKo Savings account. Siguraduhing laging may sapat na balanse ang account.

  4. Cash Pick-Up via Motorized Collector

    Maaaring mag-request ng cash pick-up arrangement kung saan pupuntahan kayo ng aming Motorized Collector para tanggapin ang inyong bayad. May one-time fee na kailangan bayaran para mag-avail ng service na ito.

Paano magbayad ng BanKo loan gamit ang BanKo Mobile

Ano ang kailangan:

  • Dapat registered sa BanKo Mobile
  • Sapat na balanse sa PondoKo Savings
  • Touchscreen phone
  • Data plan or WIFI

Steps:

  1. Mag-log in sa BanKo Mobile App gamit ang Username at Password
  2. I-click ang “Loan” sa upper right portion ng screen
  3. Piliin ang “Repayment by Self”
  4. Kumpletohin ang mga detalye at piliin kung “Due Amount” o “Other Amount” base sa halaga ng babayaran
  5. I-review ang mga detalye at i-click and “Submit”
  6. Makikita ang “Repayment Successfully Processed” ibig sabihin nito ay na-irecord na sa BanKo ang inyong payment
  7. I-check ang loan balance para makita kung na-apply ang payment sa loan
Paano magbayad ng BanKo loan sa BanKo Cash Agent

Ano ang kailangan:

  • BanKo NegosyoKo Loan Account Number
  • Sapat na halaga pambayad ng loan

Steps:

  1. Pumunta sa alinmang accredited BanKo Cash Agent (BCA)
  2. Sabihin sa BCA Teller na kayo ay “mag-ba-bayad ng BanKo Loan
  3. Ibigay ang BanKo 15-digit NegosyoKo Loan Account Number sa BCA Teller at ang halaga ng ibabayad
  4. Mag bibigay ng confirmation ang BCA Teller na ang bayad ay na-process na
  5. Ang bayad ay agad na ma-a-apply sa loan

Click this link for the complete list of BanKo Cash Agents: https://www.banko.com.ph/banko-locator/

Mayroon bang late payment fee?
Mayroong 5% late payment fee sa hindi nabayarang halaga. Magbayad sa tamang oras para maiwasan ang dagdag na singil at mapanatili ang iyong magandang credit history.

Paano i-monitor ang BanKo Loan
Kapag ang inyong loan ay na-approve, bibigyan kayo ng schedule of amortization bilang gabay kung kailan ang due date at kung magkano ang kailangang bayaran. Makakatanggap din kayo ng NegosyoKo Loan booklet kung saan maaaring itala ang ang inyong mga payments.
Bukod sa mga ito, maaari nyo ring ma-monitor ang inyong BanKo loan gamit ang inyong cellphone. Mag register sa BanKo Mobile para ma-access ang mga sumusunod:

  • Repayment by Self – gamitin ito para mag bayad ng loan gamit ang cellphone
  • Repayment Schedule – dito makikita and due dates at kung magkano ang dapat bayaran
  • Transaction History – dito naka record ang mga payments na nagawa na

Ano ang kailangan:

  • Dapat registered as BanKo Mobile
  • Touchscreen phone
  • Data plan or WIFI

Steps:

  1. Mag-log in sa BanKo Mobile App gamit ang Username at Password
  2. Iclick ang “Loan” sa upper right portion ng screen.
  3. Piliin ang:
    • Repayment by Self – kung nais magbayad ng loan
    • Repayment Schedule – kung nais malaman kung kailan ang susunod na due date
    • Transaction History – para makita ang nga nagawang bayad
Kailangan bang magbukas pa ng BanKo Deposit Account upang makapag-apply ng loan?
Kasama sa proseso ng loan approval sa BanKo ang pagbubukas ng inyong account.

Kapag naaprubahan ang inyong loan, awtomatikong bubuksan ang inyong BanKo account. Ginagawa ito para maging mabilis at madali ang pag-disburse ng loan at ang pagbabayad ng inyong monthly amortization.

Gaano katagal ang processing ng loan application?
Kung kumpleto ang requirements, inaasahang ma-aapprove ang loan sa loob ng 3-5 banking days

Paano ko malalaman kung aprubado ang aking loan?
Makakatanggap ka ng SMS o in-app notification sa BanKo App kapag aprubado na ang iyong loan. Tiyaking naka-on ang notifications sa iyong phone settings.

Paano makukuha ang loan proceeds?
Ang aprubadong loan ay ikredito sa iyong PondoKo Savings Account. Maaari mo itong i-withdraw over-the-counter sa branch.

May collateral ba ang loan?
Ang NegosyoKo Loan ay isang unsecured loan, kaya hindi na kailangan ng collateral tulad ng bahay o lupa.

Kailan pwedeng mag-reavail ng loan?
Pwede ka nang mag-re-avail kapag ang 70% ng iyong existing loan ay fully paid na. Para sa re-availment, makipag-ugnayan lang sa iyong Loan Associate o pumunta sa pinakamalapit na BanKo branch.

Saan pwedeng mag-apply?
Mag-apply sa NegosyoKo Loan sa pinakamalapit na BanKo branch o online gamit ang BanKo Mobile App.”

Para sa online application: Kailangan mo ng PondoKo Account at e-KYC.

Paano at saan pwedeng magbayad ng loan?
Pwede kang magbayad sa pamamagitan ng:

  • Auto Debit Arrangement (ADA)
  • Cash pick-up
  • Post-dated checks (PDCs)
  • BanKo Mobile App
  • Gcash (no transaction fee; posting next banking day)
  • Accredited BanKo Cash Agents (real-time posting with receipt)
Pwede bang taasan o babaan ang aking loan amount?
Hindi na pwedeng baguhin ang loan amount kapag na-approve na. Kung nais ng mas mataas o mas mababang halaga, kailangan magsumite ng panibagong loan application.

Pwede bang magbayad nang mas maaga sa due date?
Oo. Maaari kang magbayad bago ang due date. Kung gusto mong mag-full payment, bisitahin lamang ang branch para ma-process ang loan settlement.

Paano ko malalaman ang aking monthly amortization?
Makikita ang iyong monthly amortization sa:

  • Loan disclosure statement na ibibigay sa iyo sa branch
  • BanKo Mobile App (Loan balance and amortization schedule).
Ano ang mangyayari kung hindi ko mabayaran ang aking loan?
Ang hindi pagbabayad ay magdudulot ng iba’t ibang seryosong kahihinatnan, kabilang ang posibleng pagkakalista ng iyong account sa Negative File Information System. Higit pa rito, maaari kang makaranas ng mga penalties, collection efforts, at mga legal remedies mula sa bangko. Sa huli, maaari itong makaapekto sa iyong mga future loan applications hindi lang sa BanKo kundi pati na rin sa iba pang financial institutions.
Paano kung hindi ako makapagbayad sa due date?
Kung hindi ka nakapagbayad sa tamang oras, magkakaroon ng penalty charges at accrued interest. Maaaring makaapekto rin ito sa iyong credit standing. Agad na makipag-ugnayan sa branch para sa remedyo.

May geographical restriction ba?
Oo. Ang business o tirahan ng borrower ay dapat nasa loob ng 10km radius mula sa branch.

Ano ang residency requirements?
Ang residency requirements ay mahalaga para matiyak ang stability ng inyong negosyo at pagtira, na tumutulong din sa maayos na pagproseso ng inyong loan application.

Para po sa inyong residency requirements, narito ang mga detalye:

  • Kung ang inyong bahay o negosyo ay pag-aari ninyo, wala pong required na minimum years.
  • Kung ang inyong bahay o negosyo ay inuupahan, kinakailangan po na nasa parehong address kayo sa loob ng higit 2 taon.
Ano ang requirements para mag-reavail ng loan?
Kung ang loan ay higit sa 12 buwan, kailangang nabayaran na ang 70% ng loan.

Kung 12 buwan o mas mababa naman, kailangang nabayaran na ang 90% ng loan.

Ano ang limitasyon ng Outstanding Balance (OB)?
Ang Outstanding Balance ay hindi dapat lumagpas sa 30% ng kabuuang loan

Sino ang pwedeng mag-contact kung mayroon akong mga tanong o problema sa aking loan?
Maaari kang makipag-ugnayan sa:

  • Branch kung saan ka nag-apply
  • BanKo Customer Care via Official Facebook Page
  • BanKo Hotline: (02) 8819-6728

Interested to apply for a NegosyoKo Loan?

Punta na sa pinakamalapit na BanKo branch para mag apply.
For the complete list of BanKo branches, click here.

Or, leave your contact details and a BanKo representative will contact you soonest. Click the link below

Mag NegosyoKo Loan na! Apply now.

Punta lang sa alin mang BanKo branch.
Click here para alamin ang branch na malapit sa iyo.
Or, download the BanKo Mobile app.

Related Offers

PDIC
BanKo is a proud member of .

BPI Direct BanKo, Inc., A Savings Bank is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas
https://www.bsp.gov.ph (+632) 8811-1277