Maraming paraan para mabayaran ang inyong BanKo loan. Siguraduhing mabayaran ang inyong due amount bago o sa mismong due date upang mapanatili ang maayos at magandang payment history.
1. Repayment via BanKo Mobile App
Gamit ang BanKo Mobile App, maaari ninyong bayaran ang inyong loan anumang oras at kahit saan. Siguraduhing nakarehistro ang inyong account at may sapat na balanse ang inyong PondoKo Savings account bago magbayad.
2. GCash Payment
Maaaring magbayad ng loan gamit ang GCash na walang transaction fee. Ang inyong bayad ay maipo-post sa loan account sa susunod na banking day. Siguraduhing tama at kumpleto ang loan details na inyong ilalagay bago kumpirmahin ang transaksyon.
3. Over-the-Counter Payment sa BanKo Branch
Bumisita lamang sa anumang BanKo branch at magbayad over-the-counter. Ihanda ang inyong loan account details at eksaktong halaga ng babayaran para sa mas mabilis na transaksyon.
4. Accredited BanKo Cash Agents
Pumunta sa pinakamalapit na Accredited BanKo Cash Agent upang magbayad. Ibigay ang inyong loan account number at halaga ng bayad. Ang payment ay real-time na ma-a-apply at may resibong ibibigay bilang patunay ng bayad.
5. Automatic Debit Arrangement (ADA)
Sa pamamagitan ng Auto Debit Arrangement, automatic na ibabawas ang due amount ng inyong loan mula sa inyong PondoKo Savings account tuwing due date. Siguraduhing laging may sapat na balanse ang inyong account upang maiwasan ang failed deduction.
6. Cash Pick-Up
Ang Cash Pick-Up service ay available lamang para sa NegosyoKo Loan 300 at NegosyoKo Loan 500. Sa serbisyong ito, pupuntahan kayo ng BanKo collector upang tanggapin ang inyong bayad. May kaakibat na one-time service fee para magamit ang serbisyong ito at kinakailangang magpa-schedule nang maaga.
7. Post-Dated Checks (PDCs)
Tumatanggap din ang BanKo ng Post-Dated Checks (PDCs) bilang paraan ng pagbabayad. Siguraduhing tama ang petsa, halaga, at kumpletong detalye ng tseke upang maiwasan ang aberya sa posting ng payment.
is a proud member of