NegosyoKo Lite

Download the BanKo Mobile App

Nag-aalangan mag-loan pang negosyoko?
Ngayon, mas pinadali na ang pag-apply ng loan gamit ang BanKo Mobile app.

Simple ang requirements

  • 1 Valid ID
  • Barangay or Mayor’s business permit
  • Picture ng harap ng tindahan

Walang Interest

  • One-time processing fee lang ang babayaran
  • Magaan sa bulsa, as low as P384.62* kada linggo ang amortization

    *For a P10K loan, 6-month term, weekly repayment frequency

Mabilis ang approval

  • In 24 hours, alam agad kung approved ang loan

Higit sa lahat, may BanKoMare at BanKoPare na gagabay sa ‘yo. Kaya daang libo na ang umasenso! Tara na! Apply for a loan today.

Ihanda lang ang mga sumusunod sa pag-apply ng NegosyoKo Lite:

  • Touchscreen phone at mobile number mula sa kahit anong network
  • Version ng Operating System
    • Para sa Android, 5.0 o mas mataas pa
    • Para sa iOS, 11.0 o mas mataas pa
  • WIFI o internet
  • Picture ng harap tindahan na kasama ang signage
  • Barangay or Mayor’s Business Permit
How to apply for a NegosyoKo Lite

Apply for a NegosyoKo Lite gamit ang BanKo Mobile App

Sundin ang easy steps na ito:

  • Step 1 : I-download ang BanKo Mobile App sa Google Play o App Store
  • Step 2 : I-tap ang “Apply for a loan”  
  • Step 3 : Ilagay ang mga information na hihingiin, kasama na ang pag-upload ng isang valid ID at pagkuha ng selfie.
  • Step 4: Gumawa ng Username, Password at MPIN
  • Step 5: Mag-login sa BanKo Mobile App gamit ang Username at Password na ginawa
  • Step 6: Kumpletuhin ang Loan application. Ilagay ang detalye at mag upload ng picture ng negosyo at Business Permit.
  • Step 7: Kayo ay makakatanggap ng SMS sa resulta ng loan application.
List of Accepted IDs

Ito ang mga valid IDs na maaaring gamitin sa pag-apply ng loan:

  • Driver’s License
  • Philippine Passport
  • Unified Multi-Purpose ID (UMID)
  • Philippine National ID (PNID or PhilSys ID)
  • Social Security System (SSS) Card
  • Professional Regulation Commission (PRC) ID
  • Postal ID
  • TIN ID
  • Voter’s ID
  • Philhealth Card

Maaari ring gumamit ng alinman sa mga sumusunod na valid documents:

  • Barangay Certification
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disable Persons (NCWDP)
  • Company ID issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP, SEC or IC
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • Government Office and GOCC ID, e.g. Armed Forces of the Philippines (AFP ID), Home Development Mutual Fund (HDMF ID)
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP), Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
  • Integrated Bar of the Philippines ID
  • National Bureau of Investigation (NBI) clearance
  • OFW ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • Police Clearance
  • Seaman’s Book
  • Senior Citizen Card
  • Student’s ID signed by the principal or head of school
Mga paraan para magbayad ng NegosyoKo Lite

Maraming paraan para mabayaran ang inyong NegosyoKo Lite. Siguraduhing mabayaran ang inyong due amount bago o sa araw ng due date para mapanatili ang inyong good payment history.

  1. Repayment by Self via BanKo Mobile

    Gamit ang inyong cellphone, pwedeng bayaran ang inyong loan. Kailangang mag-register sa BanKo mobile at siguraduhing laging may sapat na balanse ang PondoKo Savings account pambayad ng NegosyoKo Lite.

  2. BanKo Cash Agents

    Punta lang sa pinakamalapit na BanKo Cash Agent para magbayad. Ibigay lang ang inyong NegosyoKo Lite account number at ang halaga ng inyong babayaran. Ang payment ay agad na ma-a-apply sa loan.

    Click this link for the complete list of BanKo Cash Agents: https://www.banko.com.ph/banko-locator/

  3. Automatic Debit Arrangement

    Ang due amount ng inyong loan ay automatic na ibabawas sa inyong PondoKo Savings account. Siguraduhing laging may sapat na balanse ang account.

  4. Cash Pick-Up via Motorized Collector

    Maaaring mag-request ng cash pick-up arrangement kung saan pupuntahan kayo ng aming Motorized Collector para tanggapin ang inyong bayad. May one-time fee na kailangan bayaran para mag-avail ng service na ito.

Paano magbayad ng NegosyoKo Lite gamit ang BanKo Mobile

Ano ang kailangan:

  • Dapat registered sa BanKo Mobile
  • Sapat na balanse sa PondoKo Savings
  • Touchscreen phone
  • Data plan or WIFI

Steps:

  1. Mag-log in sa BanKo Mobile App gamit ang Username at Password
  2. I-click ang “Loan” sa upper right portion ng screen
  3. Piliin ang “Repayment by Self”
  4. Kumpletohin ang mga detalye at piliin kung “Due Amount” o “Other Amount” base sa halaga ng babayaran
  5. I-review ang mga detalye at i-click and “Submit”
  6. Makikita ang “Repayment Successfully Processed” ibig sabihin nito ay na-irecord na sa BanKo ang inyong payment
  7. I-check ang loan balance para makita kung na-apply ang payment sa loan
Paano magbayad ng BanKo loan sa BanKo Cash Agent

Ano ang kailangan:

  • BanKo NegosyoKo Loan Account Number
  • Sapat na halaga pambayad ng loan

Steps:

  1. Pumunta sa alinmang accredited BanKo Cash Agent (BCA)
  2. Sabihin sa BCA Teller na kayo ay “mag-ba-bayad ng BanKo Loan
  3. Ibigay ang BanKo 15-digit NegosyoKo Loan Account Number sa BCA Teller at ang halaga ng ibabayad
  4. Mag bibigay ng confirmation ang BCA Teller na ang bayad ay na-process na
  5. Ang bayad ay agad na ma-a-apply sa loan

Click this link for the complete list of BanKo Cash Agents: https://www.banko.com.ph/banko-locator/

Paano i-monitor ang NegosyoKo Lite

Kapag ang inyong loan ay na-approve, bibigyan kayo ng schedule of amortization bilang gabay kung kailan ang due date at kung magkano ang kailangang bayaran. Makakatanggap din kayo ng NegosyoKo Loan booklet kung saan maaaring itala ang ang inyong mga payments.

Bukod sa mga ito, maaari nyo ring ma-monitor ang inyong BanKo loan gamit ang inyong cellphone. Mag register sa BanKo Mobile para ma-access ang mga sumusunod:

  • Repayment by Self – gamitin ito para mag bayad ng loan gamit ang cellphone
  • Repayment Schedule – dito makikita and due dates at kung magkano ang dapat bayaran
  • Transaction History – dito naka record ang mga payments na nagawa na

Ano ang kailangan:

  • Dapat registered as BanKo Mobile
  • Touchscreen phone
  • WIFI o internet

Steps:

  1. Mag-log in sa BanKo Mobile App gamit ang Username at Password
  2. I-click ang “Loan” sa upper right portion ng screen.
  3. Piliin ang:
    • Repayment by Self – kung nais magbayad ng loan
    • Repayment Schedule – kung nais malaman kung kailan ang susunod na due date
    • Transaction History – para makita ang nga nagawang bayad


Mag NegosyoKo Lite na! Apply now.
Just download the BanKo Mobile App.

Related Offers