ka-BanKO Ambassador
Ang mga ka-BanKO Ambassadors ay mga BanKO accountholders na naniniwala sa misyon ng BanKO na dapat ang lahat ng Pilipino ay may bank account.
Sila ay mga nominated o selected individuals na nagre-refer ng mga customers na magbubukas ng BanKO account. Binibigyan ng incentive ang Ambassador sa bawat customer na magbubukas ng BanKO account na kanyang ni-refer.
Paano maging isang ka-BanKO Ambassador?
- Para maging isang ka-BanKO ambassador, kailangan ay nominated ka ng alinmang BanKO partner institution o inimbitahan ka ng BanKO Business Development Specialist (BDS). Sa ngayon ay hindi pa ito bukas sa publiko.
- Kapag na-nominate ka na o na-imbitahan, dadalo ka sa BanKO orientation and training.
- Kailangan mong magbukas ng BanKO account para matanggap ang iyong incentive.
Ano ang benefits ng pagiging ka-BanKO Ambassador?
Kapag nagkaroon ka na ng 25 referrals, makakakuha ka ng:
- P10 incentive per referral
- BanKO shirt
- ka-BanKO Ambassador pin
- ka-BanKO Ambassador kit
Kapag nakaabot ka na ng 100 referrals, makakakuha ka ng cellphone as incentive.
Sorry, comments are closed for this post.