Paghahanda Para sa Panahon ng Tag-Ulan

Paghahanda sa Tagulan BanKO
Dalawa lang ang seasons dito sa Pilipinas. Pagkatapos ng intense na init ng summer, ay ang panahon naman ng minsa’y walang tigil na ulan. Dahil sa mga karanasan natin sa mga nagdaang mga bagyo, hindi na mawawala ang mga takot at pangamba tulad ng hindi inaasahang pagbaha, pagkasira ng bahay dulot ng malakas na hangin, pagkawala ng tubig at kuryente, at marami pang iba.

Ang pagbangon mula sa isang kalamidad ay hindi madali ngunit may mga paraan upang ang mga ito ay maiwasan. Bago pa dumating ang panahon ng tag-ulan, subukan ang mga sumusunod na tips mula sa BanKO.

Bahay Checkup

Mag-schedule ng isang araw sa weekend para i-check kung may tulo o tubig na nakakapasok sa inyong bahay. Tiyakin na walang sira at butas ang bubong sa lahat ng parte ng inyong tirahan.

Siguraduhin din na maayos ang inyong drainage system. Ito ay dapat malinis at walang bara dahil ito ang dadaluyan ng tubig ulan.

Importante ring suriin ang mga pinto at bintana ng inyong bahay. Dapat maayos at matibay ang pagkakakabit ng mga ito. Gumawa ng pagsasaayos at pagkukumpuni kung kinakailangan.

Survival Kit

Mahalaga ang pagiging handa sa lahat ng oras. Makakaiwas sa mga mas marami pang suliranin kung iyong mapaghandaan ang mga hindi inaasahang problema dulot ng kalamidad. Narito ang ilan sa mga bagay na sa tingin naming ay importante sa mga panahon ng tag-ulan.

  • Malinis na inuming tubig
  • Pagkain na pwedeng iimbak tulad ng mga delata, biscuit, at instant noodles
  • First aid kit
  • Mga damit, kumot, at twalya
  • Radyo
  • Cellphone
  • Emergency lights at flashlights
  • Mga bateriya

Emergency Hotlines

Siguraduhing available ang listahan ng emergency numbers, at alam ng buong pamilya kung saan ito nakalagay. Pwede itong idikit sa ref, ilagay sa malapit sa telepono, o i-save na sa cellphone.

  • NDRRMC – (02) 911-1406, (02) 912-2665
  • PNP – 117 or TXT PNP to 2920
  • BFP – 117, (02) 729-5166, (02) 410-6319
  • DOTC – 7890, (02) 726-6255
  • MMDA – 136, 882-1925, (02) 882-4150-77 loc. 337
  • PAGASA – (02) 433-8526
  • RED CROSS – 143
  • PHIVOLCS – (02) 426-1468

Rainy Day Fund

Mag-ipon o magsimula ng Rainy Day Fund. Ang Rainy Day Fund ay isang uri ng savings na nakalaan lamang para sa mga sakuna o sa mga kaganapang hindi planado. Iba ito sa Emergency Fund na mas malaki at para sa ilang buwan na wala kang source of income.

Para makapag-ipon, pag-aralan ang monthly expenses. Tingnan kung ano ang mga gastusin na pwedeng isantabi. Magtakda ng target amount at gawan ng monthly plan kung paano maaabot ang target mo. Makatutulong sa pag-iipon ang pagbukas ng savings account na para sa Rainy Day Fund.

Sorry, comments are closed for this post.