Should I Get a Personal Loan?

Should I Get a Personal Loan?

Kailangan mo ba ng pera, pero nanghihinayang o natatakot ka kumuha ng loan?

Ang mga personal loan ay designed para sa nangangailangan ng pera for different reasons tulad ng small purchases, pambayad ng bills, emergencies, etc. Magandang solusyon ang personal loans kapag kailangan mo ng fast cash with no collateral, with few questions asked.
Pero kahit convenient ang personal loans, marami pa din ang takot o nanghihinayang na mag-avail nito. Nangyayari din kasi na kapag hindi na-maximize ng applicant ang loan, lalo pang nababaon ito sa utang. Hindi lang ‘to nagiging ugat ng financial problems; nakakaapekto din ‘to sa tahanan.
Of course, hindi naman lahat ng pagkakataon ay nauuwi ito sa mas malaking pagkakautang. Heto ang ilang tips para magabayan kayo sa susunod niyong loan application:
  1. Ask yourself: do I really need to get a loan?
Malaking commitment ang pagkuha ng loan, kaya hindi ito dapat kunin nang basta-basta. Halimbawa, hindi porket may bagong labas na model ng cellphone o gadget ay kailangan mo na kumuha ng personal loan. Pag-isipan nang mabuti kung kailangan mo ba talaga nito. May real benefit ba ito o short term fix lang?
  1. Think long-term.
Isaalang-alang din ang iyong long-term finances bago mag-apply. Isipin ang mga ginagastos mo kada araw at tantiyahin kung magiging sapat ang pera mo para bayaran ang utang at gastusin.
  1. Know the terms.
Kapag nag-apply ka ng loan, alamin ang buong terms ng loan mo. Kasama na dito ang fine print, kung saan maaaring may mahalagang impormasyon tungkol sa loan na kinukuha mo. Alamin kung may penalty charges, extra taxes, at iba pang hidden cost.
  1. Don’t borrow for someone else.
Nangyayari din na may kumukuha ng loan under ng pangalan nila pero ibibigay ang pera para gamitin ng iba. Iwasang gawin ito. Kaibigan o kamag-anak, tandaan na hindi naman sila ang nagbabayad ng loan with interest.
 

Apply for a personal loan with BanKO InstaLoan

With BanKO InstaLoan Madala lang mag-apply ng loan gamit ang iyong BanKO account. Pumunta lang sa BanKO Lenddo Website at mag-apply gamit ang iyong Facebook profile. Dahil sa 24-hour application processing time, ang P2,500 ay agad ide-deposit sa iyong BanKO account after ma-approve ng loan.
Learn more about BanKO InstaLoan here.

Sorry, comments are closed for this post.