Tips sa Paghahanap ng Puhunan

Article-Image-Tips

Nakaisip ka na ba ng magandang business concept na gusto mong gawin? Kung nakalatag na ang iyong business plan, ang susunod na hakbang ay ang paghahanap ng pera para patakbuhin ito.

Kadalasan ang mga negosyo ay nagsisimula na mababa ang capital. Ito rin ang nagiging dahilan minsan ng mabagal na paglago ng negosyo dahil mahirap nga namang kumilos kapag maliit ang pondo. Dagdag na hamon pa ang kasalukuyang lagay ng ekonomiya.

Dahil diyan, mahalaga na magkaroon ng tamang requirements o pangangailangan para makakuha ng puhunan. Narito ang ilang mga tips sa paghahanap ng puhunan para sa iyong negosyo:

1. Tumingin sa iyong personal na pananalapi. Pagdating sa puhunan, nagsisimula pa din ito sa iyong sarili. Karamihan ng mga start-up ay galing sa sariling puhunan.

2. Alamin at tiyakin kung gaano kalaki ang kakailanganin.
Para saan ang perang ito? Balikan ang iyong business plan para dito. Kailangan mo ba ng pera para sa kagamitan, sa upa, o sa empleyado? Sa hakbang na ito, gawing priority ang mga bagay na maaaring bayaran ng cash.

3. Magpasok ng investor.
Kapag maganda ang iyong business plan, maaari kang magpasok ng investor na tutulong sa iyo, hindi lamang sa pondo, kundi pati na rin sa kaalaman at karanasan sa pagpapatakbo ng negosyo.

4. Tumingin ng iba’t ibang lending options. Marami pang ibang paraan para ma-secure ang capital funding bukod sa iyong personal na finances tulad ng retail loan programs ng BanKO.