5 Easy Ways to Save More Money Each Month

5 Easy Ways to Save More Money Each Month

Maraming Pinoy ang nahihirapan sa pag-iipon. Kapag may hawak na pera, nagagastos ito sa mga bagay na di kailangan, o hindi nakakapagtabi para makaipon.

Mahalaga ang pag-iipon, lalo na sa kasalukuyang ekonomiya. Tandaan: habang mas malaki ang ginagastos mo sa ibang bagay, mas kaunti ang nalalaan para sa mga prayoridad mo. Pero kahit mahirap mag-ipon, hindi ito imposible. May mga simpleng paraang ng pag-iipon na di mo akalaing malaki pala ang impact sa finances mo.
Mara mas malaki ang natitipid mo kada buwan, tandaan ang mga tips na ito:
  1. Track your expenses.
Kapag naubos ang pera mo matapos ang buwan, napapaisip ka ba kung saan napunta ito? Kung oo, makakatulong sa pag-ipon ang pag-monitor ng mga gastusin. Gumamit ng spreadsheet o notebook para ilista ang monthly budget mo. Ayon sa mga financial experts, mas madaling mag-control ng paggastos kung alam mo kung saan napupunta ang pera mo kada buwan.
  1. Cut back on eating out.
Kung araw-araw kang bumibili ng pagkain, baka hindi mo namamalayan na malaki na pala ang nagagastos mo. Hangga’t sa maaaari, , bawasan ang pagkain sa labas, lalo na sa mga casual na restaurants. Magluto na lang sa bahay at magbaon para malaki ang matipid mo.
  1. Cut down utility bills.
Malaki ang matitipid mo kada buwan kapag nagging wais ka sa pagtitipid ng kuryente at iba pang utilities. Madaming energy saving tips ang makakatulong sa savings mo: bumili ng energy efficient lights; gamitin ang electric fan imbis na air conditioner; patayin ang appliances kapag hindi ginagamit.
  1. Find free entertainment.
Movies, concerts, books, magazines— di natin namamalayan pero malaking part ng monthly budget natin ay napupunta sa entertainment. Imbis na gumastos, maghanap ng mas matipid na alternatibo. For example, imbis na gumastos para sa sin, humiram na lang ng mga DVD para mag-movie marathon sa bahay.
  1. Pay yourself first.
Kapag nakatanggap ka ng pera, mag-transfer ng porsyento nito sa savings account mo. Kahit na maliit na halaga lang ang natatabi mo, guaranteed pa din na may natitipid ka.Gamitin ang natira para magbayad ng bills, mamili ng grocieries, etc.. Kapag kinakapos ka, i-limit ang di kailangang gastusin tulad ng pag-shopping o pagkain sa labas.

Sorry, comments are closed for this post.