Why You Should Open A Savings Account Today

Why You Should Open A Savings Account Today

Kabilang ka ba sa 80% ng mga Pinoy na walang bank account at hindi nakakapag-ipon sa bangko?

Bakit mo kailangang magbukas ng savings account today?

Ang pag-iipon ay isang mahalagang parte ng pagkakaroon ng magandang financial future. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future, kaya mahalaga at mainam na magkaroon ng pera na nakatabi sa savings account kapag kinailangan mo ng cash.
Here are four great reasons kung bakit mabuting mag-open ng savings account:

  1. Your money is protected.
Definitely, mas ligtas na magtabi ng pera sa banko imbis na itago ito sa cabinet o sa ilalim ng kutson. Mas madali din i-monitor ang account mo anytime dahil sa online at mobile banking services tulad ng BanKO.
  1. Big convenience for small minimums.
Ang maganda sa savings account ay kahit hindi ganoon kaagad kataas ang interest, mababa ang minimum balance. Convenient pa ito dahil madali mag-deposit at mag-withdraw. Namo-monitor mo pa ang pera sa account mo anytime, anywhere dahil sa online o mobile banking.
  1. Easier to save up for large purchases.
Tuwing gusto nating bumili ng large items tulad ng gadgets o appliances, ang gawi ay maghintay ng sweldo at bilhin ito agad, kaya wala nang naitatabi. Kapag may savings account ka na ugali mong i-maintain, mas madali mag-ipon para sa mga malalaking items na gusto mong bilhin.
  1. Emergency money
Nakaugalihan na ng karamihan na maglabas agad ng pera pagdating ng sweldo, whether sa pagbayad ng bills or para sa iba pang gastusin. Kaya kapag biglang nangailangan ng pera, mahirap maghagilap pera. Maiiwasan ito kung may nakatabi kang pera sa savings account para sa mga emergency.

Mag-open ng BanKO Savings Account today!

Mas madali na mag-open ang mag-maintain ng savings account with PondoKO. Ang PondoKO ay savings account na may small initial deposit at no maintaining balance, kaya pwede kang mag-save ng as little as P50 at a time.
Learn more about opening a savings account with BanKO here.

Sorry, comments are closed for this post.